Varsity player nag-suicide

DARAGA, Albay – Dahil sa sinasabing problema sa pamilya, isang estudyanteng varsity player ang kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong mag-dive mula sa ikatlong palapag ng kanyang dormitory sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi. Nakilala ang estudyante na si Rich Monsalve, varsity player ng basketball team sa Bicol College at nakatira sa naturang lugar. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi kung saan naisugod pa sa ospital ang biktima subalit hind na ito umabot ng buhay.

Show comments