Mag-utol bulagta sa tandem
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-utol sa panibagong paghahasik ng karahasan ng riding-in-tandem sa Barangay Palagao sa bayan ng Jones, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Ceferino Calayan, hepe ng Jones PNP ang mga biktima na sina Ronnie at Elmer Salvador na kapwa nakatira sa Barangay Uno. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang mag-utol lulan ng motorsiklo mula sa lamayan sa Barangay Dipitin nang ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na barangay. Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo sa pagpatay sa mag-utol dahil si Ronnie ay kalalabas pa lamang ng bilangguan matapos makakuha ng probation sa kasong pagpatay.
- Latest
- Trending