Misis utas dahil sa P20

QUEZON, Philippines  -Dahil sa pagtatangkang kunin ang nahulog na P20, namatay ang 51-anyos na misis matapos na mabagok ang ulo sa sementadong kalye sa Bondoc Peninsula Highway, Barangay San Jose sa bayan ng GeneraL Luna, Quezon kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Mavcalelon Medical Clinic ang biktimang si Felomina Damian ng Barangay Bacong Ibaba.

Ayon kay PO2 Archivald Almonte, dakong alas-10:45 ng umaga ay lulan ang biktima ng traysikel ni Ejelmar Moreno ng Barangay San Isidro. Habang binabagtas ang kahabaan ng highway ay biglang tinangay ng hangin ang P20 ng biktima kung saan bigla itong tumalon para kunin ang pera. Subalit nawalan ito ng panimbang kaya bu­magsak sa kung saan nauna ang ulo.

Dinakma naman ang driver ng trike matapos na hindi tumigil at saklolohan ang biktima.

Show comments