TUGUEGARAO CITY, Philippines – Labing-walo katao na ang naitatalang nasawi dahil sa dengue sa Cagayan Valley. Ito ang inihayag ng Department of Health Region 2 kasabay sa patuloy na pagbibigay babala sa publiko kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa naturang rehiyon.
Naitala rin na nasa 2, 553 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit mula Enero hanggang Agosto nitong taon. Nanguna ang lalawigan ng Isabela kasunod ng Cagayan, dagdag ng DOH.
Ibayong paglilinis pa rin ang iminungkahi ng ahensiya upang maibsan
ang banta ng nakamamatay na sakit sanhi ng kagat ng lamok. Raymund Catindig