2 binata itinumba ng ka-barangay
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang matagal nang alitan at love triangle ang dahilan sa pamamaslang sa dalawang binata na binoga sa ulo ng isa nilang kabarangay sa Sto. Tomas, Alicia, Isabela, kamakalawa. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Paul Cayaban, 27 at Joel Obayno, 27, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima nang harangin at pagbabarilin ng suspect na nakilalang si Irish Agustin alias Burnok.Bulagta agad ang mga biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspect. Isang kasama ng suspek na sinasabing nagsilbing lookout na si Samuel Dionisio, 36, isang mekaniko sa barangay, ang dinakip ng mga pulis para sa kaukulang imbestigasyon. Raymund Catindig
- Latest
- Trending