Killer ng DPWH official, dakma

CAMARINES NORTE, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng 42-anyos na lala­king pangunahing suspek sa pagpatay sa isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bicol matapos masakote ng mga tauhan ng Criminal investigation and Detection Group sa inilatag na operas­yon sa Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Juanito “Totoy” Ona  ng Brgy Carolina, Naga City at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Chief Insp. Nico  Fuentes, hepe ng CIDG sa Camarines Norte, may nakabinbing warrant of arrest na inisyu si Judge Alexander Balut ng Quezon City RTC Branch 76 sa kasong murder ang suspek.

Nahaharap din sa kasong robbery with violence against or intimidation of person sa Naga City, Camarines Sur at pangunahing suspek sa pagpatay sa opisyal ng DPWH na si Nestor Tria.

Ang suspek ay naaresto bandang alas-2 ng hapon habang ito ay nagsusugal malapit sa Bagasbas beach resort kung saan nakum­piskahan ng dalawang baril at mga bala.

Show comments