^

Probinsiya

P20M ari-arian sinunog ng NPA

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang nawasak matapos sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang mga heavy equipments sa cons­truction company sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur  noong Martes ng gabi.

Bandang alas-10 ng gabi nang lusubin ng mga armadong rebelde ang Concepcion Basic Builder Incorporated (CBBI) sa Barangay Poblacion kung saan walang nagawa ang mga guwardiya at kawani.

Binuhusan ng gasolina ang dalawang dump truck, pay loader, backhoe, truck crane gayundin ang dalawang generator set, 2-welding machine, concrete vibrator at chainsaw saka sinilaban hanggang sa tuluyang hindi na mapakinabangan.

Nabatid na nagdalawang pangkat ang mga rebelde kung saan hinarass at sinabotahe ang construction company habang ang iba pa ay pumalibot naman sa labas ng bakuran.

Pinaniniwalaan may kaugnayan sa revolutionary tax na sinasabing tumangging magbigay ang may-ari ng construction company kaya isinagawa ang pananabotahe.

BANDANG

BARANGAY POBLACION

BINUHUSAN

CONCEPCION BASIC BUILDER INCORPORATED

NABATID

NEW PEOPLE

PINANINIWALAAN

SAN MIGUEL

SURIGAO

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with