Trader dinedo sa tindahan

QUEZON, Philippines - Napaslang ang 34-anyos na negosyante matapos ratratin ng di-kilalang lalaki sa Purok 6, Barangay Cecilia sa bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nakatayo sa harapan ng kanyang tindahan ang biktimang si Renaldo Amparo nang lapitan at pagbabarilin ng lalaking naka-itim na jacket, maong na short at naka-bull cap. Apat na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang biktima. Ayon sa asawa ng biktima, dalawang taon na ang nakalipas ay nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang kanyang mister.

Show comments