BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang pinatay sa gulpi ang 49-anyos na presong lalaki ng kanyang mga kabaro sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penelogy sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling araw. Naisugod naman sa Balagtas Doctor’s Hospital subalit idineklarang patay si Alfredo San Gabriel ng Brgy. Panginay sa bayan ng Balagtas at may kasong iligal na droga. Inaalam naman ni SPO4 Roberto Santos ang mga kasabwat sa krimen habang sinusuri naman ni P/Chief Insp. Editha Martinez ng Scene of the Crime Operatives ang bangkay ng preso.