2 karnaper nadakma

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa tatlong kalalakihan na sangkot sa hold-up/carnapping matapos madakma ng pulisya sa inilatag na follow-up operation sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Lester Manalang, 25, ng Brgy. Concepcion at Salvador Ponce, 27, kapwa traysikel driver, ng Brgy. Tarcan sa bayan ng Baliwag, Bulacan habang tinutugis naman ang isa pang suspek na si Jay Gala ng Brgy. Soriente sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rizalino Andaya, ang mga suspek ay itinuturong tumangay ng traysikel na pag-aari ng pamilya Solis na nakatira sa Barangay San Jose sa bayan ng San Luis, Pampanga. Nabatid na papauwi ang pamilya Solis lulan ng traysikel nang harangin ng mga armadong suspek sa bahagi ng Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan.

Show comments