CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kusang nagpasulong kay kamatayan ang 36-anyos na preso na may kasong murder matapos itong magbigti sa loob ng kulungan sa himpilang pulisya sa bayan ng Cawayan, Masbate kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang matagpuang nakabitin si Abner Bantayan, may asawa, magsasaka, ng Sitio Panorama, Barangay Pobalacion. Napag-alamang matamlay ang biktima simula nang ipasok sa kulungan at walang imik kaya naman pinapansin ng kapwa preso. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima na makulong kaya minabuting magpasalubong kay kamatayan imbes na makulong.