^

Probinsiya

LPG explosion: 10 katao sugatan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sampu katao kabilang ang apat na bata ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang isang tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa isang junkshop sa Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Base sa ulat ng Cebu City Police, naganap ang pagsa­bog ng LPG sa junkshop na pag-aari ng negosyanteng si Joel Ramos na  matatagpuan sa Sitio Paglaum, Brgy. Calamba ng lungsod dakong alas- 3 ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Carlito Tampon, nasa kritikal na kondisyon sa tinamong 3rd degree burn; Christina Mangubat, 35; Junrey Douglas, Gwendolyn Montemayor, anak nitong si Alwina, 4; Kimberly Rama, 4, pinsan nitong si Bianca Rama, 7; Germinia Templor, 26 at anak nitong si Nico, 7 at Christina Sayong, 22 taong gulang.

Ang mga biktima ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Vicente Sotto Memorial Medical Center maliban kay Tampon na isinugod naman sa Cebu City Medical Center sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, ang LPG tank ay dinala ni Tampon sa nasabing junkshop na tinanggalan nito ng regulator upang ipagbili nang bigla itong sumambulat na ikinasugat ng naturang mga biktima.Ayon sa mga awtoridad, posibleng ang sanhi ng pagsabog ay bunga ng init mula sa isang barbecue grill malapit sa naturang junkshop.

BIANCA RAMA

CARLITO TAMPON

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

CEBU CITY POLICE

CHRISTINA MANGUBAT

CHRISTINA SAYONG

GERMINIA TEMPLOR

GWENDOLYN MONTEMAYOR

JOEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with