Magsasaka dinedo ng pamangkin

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napaslang ang 54-ayos na magsasaka matapos ratratin ng sariling pamangkin sa Barangay Cumao sa bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Napoleon delos Santos habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rommel delos Santos, 35, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na inabangan ng suspek ang kanyang tiyuhin sa likuran ng kanilang tahanan upang su­malok ng pampaligong tubig bago isinagawa ang pamamaril.

Show comments