^

Probinsiya

Clan war: 4 bulagta, 3 grabe

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na napaslang habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magsagupang muli ang magkalabang angkan na nagkapikunan sa pustahan sa basketball sa bayan ng Alamada, North Cotabato kamakalawa.

Kabilang sa mga na­patay ay sina Cafgu Celeste Sebidio Jr.,  Sangki Adiong, Zainudin Mamarinta,19, magsasaka; at si Bangsauna Salimbot Igal, 39.

Samantala, malubha naman sina Princess Makalalim, 16, estudyante, anak ng dating Barangay Chairman Manding; Andy Garcia at si Kahal Tabuacar.

Sa ulat ni Army’s 40th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Roy Galido, pasado alas-12 ng tanghali nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng angkan ng pamilya Manangca at Celeste sa Barangay Guling.

Napatay si Cafgu Sebidio matapos rumesponde sa nagaganap na bakbakan bago pa man dumating ang kanilang tropa upang mapahupa ang tensyon. 

Nabatid na matagal nang may alitan sa lupain ang magkalabang angkan kung saan sa tuwing magku-krus ang landas ay nagbabakbakan.

Base sa ulat na nakara­ting kay Army’s 6th Infantry Division Public Affairs Office Chief Col. Prudencio Asto, nag-ugat ang sagupaan matapos magkapikunan sa pustahan sa basketball ang magkabilang grupo  sa nabanggit na barangay.

Samantala, nagsilikas naman ang 300 pamilya mula sa Banisilan proper at  Barangay Center sa  takot na maipit sa sagupaan kung saan humupa lamang ang tensyon matapos na rumes­ponde ang tropa ng militar.

vuukle comment

ANDY GARCIA

BANGSAUNA SALIMBOT IGAL

BARANGAY CENTER

BARANGAY CHAIRMAN MANDING

BARANGAY GULING

CAFGU CELESTE SEBIDIO JR.

CAFGU SEBIDIO

INFANTRY BATTALION COMMANDER LT

INFANTRY DIVISION PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

KAHAL TABUACAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with