CAVITE, Philippines – Isang 3-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi matapos itong mahulog sa bukas na drainage kamakalawa ng umaga sa Barangay Paliparan 3 sa Dasmariñas City, Cavite. Ayon kay PO2 Connie Susmerano, bandang alas-9: 40 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rhionald Mendezabal sa bahagi ng Barangay Salawag matapos anurin ng malakas na agos ng tubig. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipaglaro sa kanyang pinsan kung saan bigla itong nahulog sa walang takip na drainage.