MANILA, Philippines - Pinawalang sala ng Makati Regional Trial Court sa kasong Falsification of Documents at False Testimony ang isang negosyante matapos kasuhan ng isa pang negosyante noong 2005.
Sa desisyon ni Judge Marcos C. Diasen ng Makati City Regional Trial Court Branch 62, si Benjamin Yu ay pinawalang sala sa 4 counts ng kasong False Testimony at 2 counts sa kasong Falsified Documents na isinampa naman ni Ling Na Lau.
Ayon kay Atty. Jose Icaonapo, Jr., abogado ni Yu, nakasaad sa desisyon na hindi napatunayan ng complainant na nemeke ng mga dokumento ang kanyang kliyente na ginamit sa negosyo.
Si Icaonapo ay Integrated Bar of the Philippines Governor for Greater Manila Region at dating pangulo ng Philippine Trial Lawyers Association, Inc.
Sinabi ni Icaonapo na nabigo ang complainant na pineke ni Yu ang mga dokumento na kinabibilangan ng sertipikasyon mula kay Lai Chai Hua, pangulo ng Zenna Chemical Industry Co. Ltd. at Certificate of Authentication ni Atty. Carlo Aquino.
Paliwanag ni Icaonapo, si Yu ay hindi lamang dealer o distributor ng Top Gel MCA kundi manufacturer at distributor ng mga produkto ng Zenna Chemical Industry Co. Ltd..
Sinabi ng Korte na bigo rin ang prosecution na makapagprisinta ng credible witness na kikilala at magpapatotoo na tunay ang pirma nina Hua at Aquino.
Wala rin umanong deklarasyon mula sa Zenna Chemical Industry na peke ang mga dokumento ni Yu.