^

Probinsiya

Trader abswelto sa kasong pamemeke

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pinawalang sala ng Makati Regional Trial  Court sa kasong  Falsification of Documents at False Testimony ang isang negosyante matapos  kasuhan ng  isa pang negosyante noong 2005.

Sa desisyon ni Judge Marcos C. Diasen ng Makati City Regional Trial Court  Branch 62, si Benjamin Yu ay pinawalang sala  sa  4 counts ng  kasong False Testimony at 2 counts sa kasong Falsified Documents  na isinampa naman ni  Ling Na Lau.

Ayon kay Atty. Jose Icaonapo, Jr., abogado ni Yu, nakasaad sa desisyon na hindi napatunayan ng complainant na nemeke ng  mga dokumento ang kanyang kliyente na ginamit sa negosyo.

Si Icaonapo ay  Integrated Bar of the Philippines Governor for Greater Manila  Region at dating pangulo  ng  Philippine Trial Lawyers Association, Inc.

Sinabi ni  Icaonapo na  nabigo ang complainant na   pineke ni Yu  ang mga dokumento na kinabibilangan ng  sertipikasyon  mula kay Lai Chai Hua, pangulo ng Zenna  Chemical Industry  Co. Ltd. at Certificate of Authentication ni  Atty. Carlo Aquino.

Paliwanag ni  Icaonapo, si Yu ay hindi lamang dealer o distributor ng  Top Gel MCA kundi manufacturer at distributor ng mga produkto ng  Zenna Chemical Industry Co. Ltd..

Sinabi  ng Korte na bigo rin ang  prosecution na makapagprisinta ng credible witness na kikilala  at magpapatotoo na tunay ang pirma nina  Hua at Aquino.

Wala rin umanong deklarasyon mula sa Zenna Chemical Industry na peke ang mga dokumento ni  Yu.

vuukle comment

BENJAMIN YU

CARLO AQUINO

CERTIFICATE OF AUTHENTICATION

CHEMICAL INDUSTRY

FALSE TESTIMONY

FALSIFICATION OF DOCUMENTS

FALSIFIED DOCUMENTS

GREATER MANILA

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with