^

Probinsiya

Barangay tanod inutas ng lolo

- Danilo Garcia - The Philippine Star

RIZAL, Philippines  – Napaslang ang 45-anyos na barangay tanod matapos itong tagain sa leeg ng kainumang lolo dahil sa pagkapikon kamakalawa ng hapon sa bayan ng Rodriguez, Rizal. Nakilala ang napatay na si Nelson Villanovos ng Block 4, Lot 89, Montalban Heights habang nadakip naman ang 63-anyos na suspek na si Leoncio Galicia, kapitbahay ng biktima. Sa imbestigasyon ng Rodriguez Police, nag-iinuman ang dalawa sa panulukan ng Montalban Heights nang kapwa malasing. Dito na nag-umpisang magkulitan ang dalawa at magtalo hanggang sa mauwi sa paghahamunan ng away. Agad na nagbunot ng itak ang suspek at pinagtataga sa leeg ang kainuman. Tinangka pa umanong tumakas ng suspek ngunit nasakote rin ito sa isinagawang manhunt operation ng pulisya.

vuukle comment

DITO

LEONCIO GALICIA

MONTALBAN HEIGHTS

NAKILALA

NAPASLANG

NELSON VILLANOVOS

RIZAL

RODRIGUEZ POLICE

TINANGKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with