Ex-vice mayor niratrat

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang dating vice mayor matapos ratratin ng riding-in-tandem sa harapan ng fastfood chain sa Quizon Street, Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Masbate Doctors Hospital ang biktimang si Atty. Edwin Rana na dating bise alkalde sa bayan ng Mandaon at kasalukuyang clerk of court sa Masbate Regional Trial Court. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit, PNP provincial director, katatapos lang kumain at pasakay na sa sasakyan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin. Napag-alamang si Bana ay lumahok sa mayoralty race sa bayan ng Mandaon subalit natalo kaya pumasok sa Masbate RTC bilang clerk of court.

Show comments