Maid pinilahan ng 2 bagets

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napariwara ang kinabukasan ng 19-anyos na maid matapos pilahan ng dalawang bagets sa liblib na bahagi ng Magat River sa Barangay Paraiso sa Bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima sa bahagi ng Tandang Sora Road nang hintuan ng traysikel na lulan ang dalawang suspek na may edad 16 at 17. Kinaladkad ng dalawang suspek ang biktima kung saan nagpakasasa ng husto sa katawan ng dalaga na noo’y balot sa sindak. Agad namang dinampot ng mga pulis ang mga suspek na napag-alamang kabarangayan lamang ng biktima.

Show comments