STF vs puganteng si Laciste, inilatag

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Inatasan ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Frank Mabanag ang Special Task Force (STF) upang sumanib sa tracker team ng Department of Justice sa pagtugis sa puganteng si Rommel Laciste na sinasabing nagkukuta sa nasabing lalawigan.

Ayon sa tagapagsalita ng Isabela PNP na si P/Supt. Vicente Valdez, si Laciste ay lubhang mapa­nganib dahil sa pagkaka­sangkot sa iba’t ibang kaso ng pagpatay, panggagahasa at pagnanakaw.

Nabatid na balot nga­yon ng takot ang mga residente sa liblib na Barangay Sta. Filomena sa bayan ng San Mariano matapos mamataan ang kilabot na convicted killer na si La­ciste.

Base sa record, si La­ciste ay kasunod na pumuga ng kontrobersiyal na si Rolito Go noong nakaraang linggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Si Laciste ay naha­tulang mabilanggo ng habambuhay sa kasong pagdukot at pagpatay kay Probation Officer Concepcion Luma­nglas sa Ilagan noong 2006 kung saan isang tricycle driver din ang kanyang kinatay sa pagtakas noon.

Nabatid na pumuga rin ito sa Isabela Provincial Jail ilang araw bago ilipat sa Muntinlupa City subalit nadakip sa bahay ng kanyang tiyuhin sa Barangay Tagaran, Cauayan City.

Show comments