^

Probinsiya

Katiwala pinatay ng kabaro

- Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines - May posibilidad na paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 51-anyos na katiwala ng kanyang kabarong 18-anyos sa naganap na krimen sa loob ng alagaan ng mga sasabunging manok sa Barangay Bulac sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Nagtamo ng dalawang malalim na tama sa ulo ang biktimang si Ramiro Basa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Carlo Roaring na kapwa stay-in-worker sa JAMA Game Farm sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni PO3 Joseph Aquino, lumilitaw na kalimitang sinesermunan ng biktima ang suspek sa tuwing magkakamali sa trabaho kaya sinasa­bing nagtanim ng galit ang huli. Nabatid na nilasing muna ng suspek ang kanyang kabaro sa trabaho bago isinagawa ang pamamaslang.

vuukle comment

ANYOS

BARANGAY BULAC

BULACAN

CARLO ROARING

GAME FARM

JOSEPH AQUINO

NABATID

NAGTAMO

RAMIRO BASA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with