^

Probinsiya

ONE Cebu ni Gov. Garcia, umani ng suporta

- The Philippine Star

CEBU CITY, Philippines  - Umani ng malawakang suporta ang proyektong “Obra Negosyo Eskwela ni Cebu Governor Gwen Garcia mula sa iba’t ibang sektor ng manga­ngalakal matapos idaos ang academic symposium na pinangunahan ng Mandaue Chamber of Commerce and Industry (MCCI).

Ang pagpupulong na ginanap sa Cebu International Convention Center ay nagsilbing daan sa masinsinang palitan ng mga kuru-kuro, karanasan at karunungan ang mga kalahok sa tinaguriang ONE CEBU (Obra, Negosyo, Eskwela Countryside Business Upliftment) program na sinimulan ni Garcia may ilang taon na ang nakalipas.

Layunin ng nasabing programa na tulungan ang mga tinatawag na small and medium enterprises (SMEs) sa Cebu upang mapalago ang pananalapi ng mga ito.

May posibilidad na malaki ang naitutulong ng mga negosyong sa ekonomiya di-lamang ng Cebu kundi pati sa buong bansa. Kabilang din sa programa ang libreng pagtuturo ng wastong pagpapaplano at pamamalakad ng negosyo upang mabigyang lunas ang mga pangkaraniwang problemang madalas harapin ng mga nasabing establisyimento.

Ilan sa mga nakibahagi ay si Jennylyn Barangan, Mass Communications student ng Cebu Normal University, na naglahad kung paano nakatulong ang proyekto sa cassava cookies business na nagpabago ng kanilang buhay.

Sa nasabing symposium, isinaad din ni Astrophel Ybañes, pangulo ng Tabogon Ecological Resource Management kung paano nabiyayaan ang kanilang negosyong charcoal briquettes ng nasabing programa. Ang symposium ay idinaos sa pakikipagtulungan ng mga pamahalaan ng Cebu at Mandaue City na dinaluhan ng ibat’ ibang sektor mula sa Visayas at ng mga munisipalidad ng Siaton at Binalbagan sa Negros Oriental. 

ASTROPHEL YBA

CEBU

CEBU GOVERNOR GWEN GARCIA

CEBU INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

CEBU NORMAL UNIVERSITY

ESKWELA COUNTRYSIDE BUSINESS UPLIFTMENT

JENNYLYN BARANGAN

MANDAUE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with