Manila, Philippines - Apat na minero ang iniulat na nasugatan makaraang yanigin ng pagsabog ang maliit na minahan sa Danao City, Cebu kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga nasugatan na sina Arnel Bacang, Rolito Capote, uhJoseph Manzo, at si Cereno Lugas na pawang naisugod sa ospital. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagsabog sa small scale mining site sa Barangay Lawaan dakong alauna ng hapon. Nawalan ng kuryente sa loob ng tunnel ng minahan kaya nagsindi ng lighter ang isa sa mga minero kung saan ay hinigop ito ng gas na lumikha ng pagsabog. Nabatid pa na napapalibutan ng methane gas ang nasabing tunnel kaya naganap ang hindi inaasahang pagsabog.