Deputy chief ng pulisya itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Isa na namang opisyal ng pulisya ang iniulat na napaslang matapos itong pagbabarilin ng dalawang rebeldeng New People’s Army na lulan ng motorisklo sa Sitio Bangrusan, Purok 5 sa Barangay Panisijan sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si P/Senior Inspector Zaldy Andaya, 52, deputy chief of police sa bayan ng Bulan sa Sorsogon at nakatira sa Purok 2, Barangay Espinosa sa Masbate City, Masbate.

Lumilitaw sa imbestigasyon na may kausap sa cell phone ang biktima nang lapitan at ratratin ng dalawang rebelde bandang alas-8 ng gabi.

Show comments