^

Probinsiya

Trak vs dyipni: 2 dedo, 29 sugatan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang 29 iba pa ang nasugatan matapos magbanggaan ang pick-up truck at kasalubong nitong pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Toril District, Davao City noong Sabado ng umaga.

Nasawi ang pasaherong si Leah Nacionales, 48, ng Brgy. Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur at ang driver ng pick-up truck na hindi natukoy ang pangalan.

Isinugod naman ang mga nasugatang biktima, dalawa rito ay nasa kritikal na kondisyon sa Southern Philippines Medical Center.

Base sa ulat ng Davao City PNP, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway sa Barangay Binugao dakong alas-7 ng u­maga.

Ayon sa imbestigasyon, bumabagtas ang pick-up truck (LGS-965) patungo sa palengke nang makasalpukan ang pampasaherong jeepney (LVA-284).

Sa lakas ng banggaan ay kaagad na nasawi ang dalawang biktima habang naisugod naman sa nasa­bing ospital ang mga na­sugatan.

ASTORGA

AYON

BARANGAY BINUGAO

BRGY

CRUZ

DALAWA

DAVAO CITY

LEAH NACIONALES

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

TORIL DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with