^

Probinsiya

Mga bala ng NPA narekober

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Daan-daang bala ng mga malalakas na kalibre ng baril ang narekober ng tropa ng militar matapos makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng hapon sa liblib na lugar sa bayan ng Malangas, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Captain Alberto Caber, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, bandang alas-4:30 ng hapon nang masabat ng 14th Scout Ranger Company at 4th Scout Ranger Battalion ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Palalian, Malangas. Matapos ang matinding sagupaan kung saan umatras ang mga rebelde ay narekober naman ang 163 bala  ng AK 47, 7.62 assault rifle, 13 bala ng Garand rifle, sari-saring gamot at mga subersibong dokumento. Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng militar laban sa nagsitakas na mga rebelde.

AYON

BARANGAY PALALIAN

CAPTAIN ALBERTO CABER

DAAN

GARAND

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

SCOUT RANGER BATTALION

SCOUT RANGER COMPANY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with