Barangay kagawad nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Niratrat at napatay ang 37-anyos na barangay kagawad sa panibagong karahasang naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Umalo, Libmanan, Camarines Sur. Hindi na umabot pa ng buhay sa Libmanan District Hospital ang biktimang si Nicanor Bugasan ng nabanggit na barangay. Nabatid na papauwi na ang biktima mula sa barangay hall nang harangin at pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments