^

Probinsiya

SUV vs school bus: 3 bulagta

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang SUV at school bus sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Cumawas, Bislig City sa Surigao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Jane Maglasang, 23; Raquel Lubit, 18; at Romualdo Lim, driver at may-ari ng SUV. Si Maglasang ay dead on the spot sa insidente habang binawian naman ng buhay sa ospital sina Lim at Lubit. Isinugod naman sa Andres Soriano Memorial Hospital sa Bislig City ang sugatang si Benjamin Peralta, 29 taong gulang.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12:01 ng tanghali nang magsalpukan ang Hyundai Santa Fe SUV (LHD-838) at school bus (SHK -651) sa kahabaan ng national highway.

Napag-alamang patungo sa Mangagoy nang mag-overtake si Lim sa sinusundang sasakyan pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumalpok sa kasalubong na school bus na pag-aari ng University of the Southeastern Philippines na minamaneho ni Simplicio Macabalos, 54.

Sa lakas ng pagkakabangga ay halos nayupi ang SUV na ikinasawi ng tatlong sakay nito.

vuukle comment

ANDRES SORIANO MEMORIAL HOSPITAL

BENJAMIN PERALTA

BISLIG CITY

CAMP CRAME

HYUNDAI SANTA FE

JANE MAGLASANG

RAQUEL LUBIT

ROMUALDO LIM

SI MAGLASANG

SIMPLICIO MACABALOS

UNIVERSITY OF THE SOUTHEASTERN PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with