6 sugatan sa pagserve ng warrant
ZAMBALES, Philippines – Anim-katao kabilang ang limang pulis ang iniulat na nasugatan matapos maganap ang shootout habang isinisilbi ang arrest warrant laban sa notoryus na killer sa Muslim Community Area sa Barangay Matain, sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng hapon. Bandang alas-4 ng hapon nang mag-serve ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa suspek na si Ali Nali kaugnay sa mga kasong murder kabilang ang pagpatay kay P01 Micahel Gangano. Ngunit bago pa man makapasok sa compound ng MCA ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan anim ang mga pulis na nasugatan. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga pulis na sugatan habang nakatakas naman ang suspek mula sa MCA sa gilid ng kilalang beach resort hotel.
- Latest
- Trending