NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang 24-anyos na anak ng retiradong pulis matapos itong matagpuan sa liblib na bahagi ng Km. 5, Brgy. Malbang sa bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Walter Castillejos, Nueva Ecija PNP director, ang napatay na si Beith Ludwig Madrid ng Brgy. Magsaysay Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ang biktima ay anak ng retiradong pulis na si Berlin Madrid at kasalukuyang konsehal ng Brgy. Magsaysay Sur habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.