3 Tsinoy trader bulagta sa tandem

Manila, Philippines -  Tatlong negosyanteng Tsinoy kabilang ang mag-ama ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Kinilala ang mag-amang sina Billy Lee Sarte, at Ronald­ Lee Sarte, 24; at ang kaibigang si Willy Boy Uy.

Si Billy ay idineklarang patay sa Ciudad Medical sa Zamboanga habang ang dalawa naman ay namatay habang ginagamot.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Alexander Mabalot ng Zamboanga City PNP, naganap ang pana­nambang sa kahabaan ng Governor Ramos Avenue sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City dakong alas-7:40 ng gabi.

Lumilitaw na pauwi na ang mga biktima mula sa sabungan nang sundan ng riding-in-tandem.

Napag-alamang nagkasagutan pa ang mga biktima at ang mga suspek bago nagbunot ng baril ang back-rider at pinaputukan ang tatlo saka mabilis na tumakas.

Show comments