Pulis-Infanta dedo sa ambush

QUEZON, Philippines  – Napaslang ang 40-anyos na batikang imbestigador ng pulisya laban sa sindikato ng bawal na droga matapos tamba­ngan ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Purok Guapo, Barangay Poblacion Bantilan sa bayan ng Infanta, Quezon noong Biyernes ng gabi. Pitong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni SPO1 Rommel Valera, nakatalaga sa Infanta PNP investigation section at nakatira sa Brgy. Catambungan.

Sa ulat ni SPO2 Benito Nevera, pauwi na sa Barangay Catambungan ang biktima lulan ng motorsiklong kaangkas ang kanyang asawang si Amy nang bigla itong huminto matapos marinig ang pasigaw na “pare” ng di-kilalang lalaki.

Dito na niratrat ng gunman ang biktima na duguang bumulagta habang ang asawang si Amy ay sugatan.

Naglakad palayo sa crime scene ang gunman kasama ang nagsilbing look-out patungo sa direksyon ng Sitio Libis Bantilan.

Show comments