Babae pinatay ng lover sa motel bago nagbigti

Manila, Philippines -

 

Pinatay sa saksak ang 33-anyos na babae ng kanyang lover sa loob ng motel bago nagbigti sa Brgy. Luna sa Lapaz District, Iloilo City kama­kalawa ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Marieto­ Valerio, bandang alas-5:45 ng umaga nang ma­tagpuan ang bangkay ni Josel Abancio sa loob ng Villa Demetria Lodging­ Haus sa nabanggit na barangay.

Samantala, nagbigti naman sa punongkahoy ang lover na si Rafael Epilipsia ng San Lorenzo, Gui­maras.  

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, sinundo ng lover ang biktima sa kanyang trabaho bilang kasambahay sa Barangay San Juan, Molo District upang mag-date.

Nabatid na nag-check-in ang dalawa sa na­sabing motel dakong alas-9 ng gabi kamakalawa pero kahapon ng umaga ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na pinagsasak­sak at inabandona.

Dito na inilatag ng pulisya ang manhunt ope­ration subalit bago pa masakote ang itinuturong suspek ay natagpuan na ito kahapon ng umaga na nakabigti sa puno ng kasoy malapit sa bahay ng pinsan nito sa Brgy. Cabanoy sa bayan ng San Lorenzo, Guimaras.

Show comments