QUEZON, Philippines - Patay agad ang 49-anyos na biyudo matapos na ito ay pagsusuntukin ng nakababatang kapatid habang nakikipag-inuman sa Sitio Catmon, Barangay Poblacion sa bayan ng Burdeos, Quezon kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynaldo Neri habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Raymund Neri, 37, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ni PO1 Joemarie Raya, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek at nakiumpok sa kanila.
Nang lasing na ang biktima ay hinamon nito ng suntukan ang nakababatang kapatid kung saan pinaunlakan naman ng huli at sinuntok ito sa katawan.
Pagbagsak ng biktima sa sahig ay sinundan pa ito ng ilang beses na suntok sa mukha hanggang sa mamatay.