^

Probinsiya

Mag-iina nilamon ng tubig-baha

- Mer Layson - The Philippine Star

RIZAL, Philippines - Patay ang isang ginang at dalawang anak nito na nagkaka-edad lang ng isa at limang taong gulang, nang tangayin ng rumaragasang tubig na dulot ng matinding pag-ulan habang tumatawid sa creek sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang mag-iina na sina Michelle Demafiles, 26; Veronica Mae, 5; at si John Henricks, 1; pawang nakatira sa Phase 2, SKB Homes, Sitio Tanza 2, Barangay San Jose sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rodino Elf, hepe ng Antipolo City PNP, papauwi na ang mag-iina mula sa pagbisita sa kamag-anak nang tangayin at lamunin ng tubig-baha sa creek habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Unang natagpuan ang bangkay ni Veronica, ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente habang sa di-kalayuan ay ang batang si John Henricks. Sa bayan naman ng Teresa natagpuan ang bangkay ni Michelle.

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN JOSE

JOHN HENRICKS

KINILALA

MICHELLE

MICHELLE DEMAFILES

PATAY

RODINO ELF

SITIO TANZA

VERONICA MAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with