2 mangingisda utas sa kidlat

MANSILOC, Zambales, Philippines – Patay ang dalawang ma­ngingisda habang isa pa sa kasamahan ng mga ito ang nasugatan makaraang tamaan ng kidlat ang kanilang sinasakyang bangkang pangisda sa Matalvis Bay sa Brgy. Inhobol ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakalap mula kay RJ Bautista, Municipal Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council (MDRRMC) officer ng Masinloc, kinilala ang nasawi na si Alden Majadas, 17 at Jolly Gubalane, 19, kapwa mangingisda na residente ng Sitio Matalvis, Brgy. Inhobol sa naturang bayan.

Nagtamo naman ng lapnos sa katawan si Archie Bungol, 19; na kinailangang dalhin sa pagamutan dulot ng sugat.

Nakaligtas sa insidente ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na sina Albert Barrientos, 21; Ricky Gubalane, 20 na nagawang dumapa nang tumama ang kidlat sa kanilang bangka.

Bandang ala-6 ng gabi ng pumalaot ang mga ito para mangisda ng tamaan ng kidlat ang kanilang bangka sa kalagitnaan ng Matalvis Bay.

Show comments