CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos sumabog ang sinasabing tindahan ng gasolina kamakalawa ng gabi sa Sitio Canal, Barangay Odicon sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur. Nakilala ang mga nasawi na sina Ramil Quijano, 33; Remelyn Tapar, 33, 8-buwang buntis; at si Rolly Dominguez, 23. Base sa police report, ang bahay na pinagmulan ng pagsabog ay tindahan ng gasolina na pag-aari ni Manding Quijano para sa mga bangka ng mangingisda. Umabot sa kalahating oras bago naapula ang apoy sa nasunog na bahay kungsaan ginagawang imbakan ng 12 drum ng gasolina .