QUEZON, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng 10-anyos na batang babae matapos na pagsamantalahan ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng umaga sa Barangay Concepcion Palasan sa bayan ng Sariaya, Quezon. Nasa pangangalaga ng Municipal DSWD ang biktimang Grade 4 pupil habang nasakote naman ang suspek na si Mario Cruz, 42. Ayon kay PO3 Melinda Jader ng Womens Desk Section, dakong alas-6-35 ng umaga nang hatakin ng suspek ang biktima habang naglalakad na papasok sa Concepcion Elementary School. Dinala ng suspek ang biktima sa likuran ng nasabing eskuwelahan bago isinagawa ang maitim na balak kung saan sinuntok sa tiyan upang hindi makahingi ng saklolo sa mga nagdaraang residente.