4 sugatan sa pamamaril ng tanod

CAVITE, Philippines  – Apat-katao ang iniulat na nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki kabilang ang barangay tanod sa Barangay Pasong Buwaya, Imus City, Cavite kamaka­lawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Las Piñas City District Hospital ang mga biktimang sina Roy Carpila, 20; Salvacion Carpila, 25; Juaquin Carpila, 9; at si Jhelian Carpila, 3. Samantala, naaresto naman ng pulisya ang isa sa suspek na si Marlon Camaña, 34, habang tinutugis naman si Tanod Jonathan “Utan” Saunar, kapwa nakatira sa Barangay Pasong Buwaya 2 sa nasabing lungsod. Base sa police report, nagpapahinga ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan sa kasagsagan ng malakas na ulan nang ratratin ng mga suspek sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments