Manila, Philippines - Inilunsad ng Manila Broadcasting Company ang 2012 MBC National Choral Competitions sa dalawang dibisyon – Children’s Choirs at Open Category para sa iba’t-ibang ahensiya sa pampubliko at pribadong sektor. Ito ang tampok sa kanilang taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy.
Gaganapin ang regional eliminations ng mga koro sa iba’t-ibang lalawigan kabilang ang mga bayan ng Cauayan sa Isabela (August 11); Baguio City (August 18); Lingayen, Pangasinan (August 19); Cebu (August 25); Davao (September 2); Iloilo (September 8); Zamboanga (September 15); General Santos City (September 22); at sa Naga (October 13).
Ang mga taga-Metro Manila at karatig pook ay maaaring mag-audition sa Star Theater sa Oktubre 6 at 7, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ang 16-pinakamahusay na children’s choir at 28 batikang grupo para sa open category ay maglalaban sa national finals sa Disyembre.
Aabot sa P.1 milyon ang nakalaan sa magwawagi sa children’s division at P.150 milyon naman sa kampyon ng open category.
Maaring humingi ng detalyadong contest mechanics sa pamamagitan ng e-mail sa siouxstar@gmail.com, o sa website ng http://manilabroadcasting.multiply.com