^

Probinsiya

Ambush: Chief of staff ng NGO bulagta

- The Philippine Star

BATANGAS, Philippines  - Napas­lang ang chief of staff ng non-government organization (NGO) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay 11, Lipa City sa Batangas kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa NL Villa Hospital ang biktimang si Santiago Epifanio Garong II,  50, ng Rizal Street, Lipa City.

Base sa police report, nagmamaneho ng pu­ting Mitsubishi Delica van (CSJ 4141) ang biktima, kasama ang bayaw nitong si Dr. Ernie Reyes at kapatid na si Nenette Reyes nang ratratin ng tandem pagsapit sa Solis Street bandang alas-7:15 ng umaga.

Nakaligtas naman ang mag-asawang Reyes matapos na magpatay-pata­yan habang binabaril ang kanilang sasakyan.

Sa panayam ng PSN kay Dr. Reyes, posible umanong siya ang target sa pananambang da­­hil may kaugnayan ito sa kanyang isinusu­long na conversion ng Batangas Electric Cooperative(BATELEC) mula sa NEA (National Electrification Authority) papuntang CDA o (Cooperative Development Authority).

BATANGAS ELECTRIC COOPERATIVE

COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY

DR. ERNIE REYES

DR. REYES

LIPA CITY

MITSUBISHI DELICA

NATIONAL ELECTRIFICATION AUTHORITY

NENETTE REYES

RIZAL STREET

SANTIAGO EPIFANIO GARONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with