^

Probinsiya

Misis pinabulagta ng selosong mister

Nina Raymund Catindig Victor Martin at Joy Cantos - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Napatay ang 26-anyos na misis matapos itong barilin sa ulo ng sariling mister dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang boarding house sa Barangay Araniw, Laoag City sa Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jecha “Jeka” Villanueva habang nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Arnel Villanueva, 33, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating kay Laoag City PNP Director P/Supt. Melvin Napiloy, naganap ang krimen sa loob ng tinutuluyang boarding house ng mag-asawa malapit sa bisinidad ng Laoag International Airport.

Nagkainitan ang mag-asawa kung saan nagsese­los ang mister sa kanyang misis kahit wala sa lugar.

Dito na umalingawngaw ang malakas na putok ng cal. 45 pistol kung saan bumulagta sa ilang kapitbahay ang duguang katawan ng biktima matapos sumaklolo sa nag-aaway na mag-asawa.

Narekober naman ng pulisya sa bakanteng lote sa boarding house ang baril na ginamit sa krimen habang inihahanda ang ilang ebidensya para makasuhan ang suspek.

vuukle comment

ARNEL VILLANUEVA

BARANGAY ARANIW

DIRECTOR P

DITO

ILOCOS NORTE

JECHA

JEKA

LAOAG CITY

LAOAG INTERNATIONAL AIRPORT

MELVIN NAPILOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with