^

Probinsiya

GRO pinugutan, pamangkin pinatay sa sakal

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na guest relation officer (GRO) na pinugutan habang ang pamangkin nitong lalaki ay pinatay sa sakal ng lala­king napatalsik sa trabaho sa Barangay District. 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang magtiyahin na sina Cristina Lapuz, at Rainer Lapuz, 3, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Samantala, tinutugis nang pulisya ang suspek na si Hernando Oslob na sinasabing dating ka-live-in ng kapatid ni Cristina na si Lilibeth Lapuz.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nadatnan na lamang ni Lilibeth na naliligo sa sariling dugo at halos humiwalay ang ulo ng kanyang utol na si Cristina.

Habang napatay naman sa sakal ang kanyang anak sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa nasabing lugar.

Sa salaysay ni Lilibeth sa pulisya na pinagbantaang papatayin ng suspek ang kapatid nito at anak matapos niyang ipagkanulo ang kinakasama sa kaso ng pagnanakaw kaya napatalsik sa trabaho.

Pinaniniwalaang nagtatago ngayon ang suspect sa kabundukan ng Cordillera kung saan ito ay sinasabing katutubong Ifugao.

BARANGAY DISTRICT

CAUAYAN CITY

CRISTINA

CRISTINA LAPUZ

HABANG

HERNANDO OSLOB

IFUGAO

LILIBETH

LILIBETH LAPUZ

RAINER LAPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with