Magka-live-in bulagta sa karahasan
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng magka-live-in sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Guinbanwahan sa bayan ng Balud, Masbate kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Darion Francisco, 39; at Sol Alvares, 35, habang sugatan naman si Larry Asorez, 52. Sa police report, lumilitaw na nag-away ang magka-live-in sa labas ng kanilang bahay kung saan sinaksak at napatay ng lalaki ang babae. Tinangkang arrestuhin ni Asorez ang lalaking sumaksak sa babae subalit maging siya ay sinaksak din. Dito na pinagbabaril hanggang sa mapatay si Francisco ng di-kilalang lalaki bago tuluyang tumakas habang naisugod naman sa Balud District Hospital si Asorez.
- Latest
- Trending