Pekeng staff ng Napolcom, tiklo

BULACAN, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng 30-anyos na mister na sinasabing nagpanggap na kawani ng National Police Commission (Napolcom) matapos arestuhin dahil sa pangingikil sa dalawang pulis sa Barangay Ulingao sa bayan ng San Rafael, Bulacan kamaka­lawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Christoper Soberon ng A. Cruz Street, Caloocan City. Sa pagsisiyasat, lumilitaw na nagpakilalang staff ng Napolcom at inalok ng suspek sina PO3 Christopher Aragon at PO2 Rolly Galasi para tumaas ang ranggo sa hanay ng pulisya sa halagang P10,000 kada isa. Kaagad naman pina­beripika ni P/Supt. Rodolfo Hernandez ang katayuan ng suspek sa Napolcom at napatunayang hindi konektado. Dito na dinakma ng pulisya ang suspek sa inilatag na entrapment operation.

Show comments