3-anyos totoy pisak sa trak

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napisak ang murang katawan ng 3-anyos na totoy matapos mahagip ng trak sa gilid ng kalsada sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Bicol Medical Center subalit namatay din ang biktimang si John Lazaro  habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Elmer Baldonado, 49, ng Barangay Paolbo. Base sa police report, nakatayo ang bata sa gilid ng kalsada nang mahagip ng trak (EBC 625) bandang ala-1:40 ng hapon.

Show comments