MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.787 milyong halaga ng ari-arian ang winasak habang aabot naman sa 293 pamilya ang iniulat na inilikas matapos na maapektuhan ng pananalasa ng daluyong ng alon na mistulang tidal wave sa baybaying dagat ng Davao City, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.
Sa ulat ng NDRRMC ang daluyong ng alon ay karaniwang nananalasa kapag masama ang lagay ng panahon kung saan naapektuhang ang mga lugar sa Agdao District, Poblacion, Talomo at Torilo Ditrctis
Naitala naman sa milyong halaga ng ari-arian ang iniwang pinsala ng malalaking alon matapos mawasak ang kabahayan sa dalampasigan at ang mga bangka ng mga mangingisda.
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 40 pamilya o kabuuang 200-katao ang apektado ng daluyong ng alon na nanalasa naman sa Sitio Tinago, Barangay Tibpuan, Lebak sa bayan ng Sultan Kudarat.
Naitala naman sa 10-kabahayan ang tuluyang nawasak bagaman nasa 30 ang nagtamo ng pinsala.