^

Probinsiya

13 bangka lumubog: 63 mangingisda nasagip

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa animnapu’t tatlong ma­ngingisda ang iniulat na nai­ligtas matapos lumubog ang bangkang pangisda sa Butuan Bay, Agusan del Norte kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4 ng madaling araw nang lumubog ang 13 bangkang panginsda na sinasakyan ng mga biktima sa Butuan Bay.

Matapos makatanggap ng distress call sa mga biktima ay kaagad na rumes­ponde ang rescue team ng Tubay PNP, Buenavista PNP, Agusan del Norte PNP Provincial Office at ang 13th Regional Public Safety Battalion lulan ng rubber boats.

Kabilang sa mga nai­ligtas ay ang mga ma­ngingisdang sakay ng pitong bangkang pangisda mula sa Barangay Manapa, Buenavista at anim naman sa Brgy. Poblacion, Tubay, Agusan del Norte.

Nabatid na sa kabila ng masungit na panahon ay pumalaot pa rin ang mga mangingisda hanggang sa balyahin ng daluyong na alon ang mga bangka kaya isa-isa itong nagsilubog.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng pulisya ang mga residenteng mangingisda na maging vigilante at isagawa ang kaukulang pag-iingat lalo na kapag masungit ang panahon.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY MANAPA

BUENAVISTA

BUTUAN BAY

CAMP CRAME

NORTE

PROVINCIAL OFFICE

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

TUBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with