^

Probinsiya

Hepe sinibak

- Tony Sandoval - The Philippine Star

LUCENA CITY, Philippines – Dahilan sa kabiguang makapagres­ponde kaagad sa madugong armored van robbery sa lungsod na ito na ikinasawi ng tatlong guwardiya, sinibak na sa puwesto ang hepe ng lungsod na ito. Kahapon ay itinalaga sa puwesto bilang Officer in Charge ng Lucena City Police si Chief Inspector Juan Byron Reyes Leogo kapalit ng nasibak na si Sr. Supt. Ramon Balauag. Ang pagsibak kay Ba­lauag ay base sa kautusan ni Quezon Provincial Director Sr. Supt. Valeriano de Leon upang bigyang daan ang Task Force sa sarili nitong imbestigasyon at bunga na rin ng petisyon ng Lucena Bankers Association. Noong Hulyo 26,2012, ganap na alas-3:05 ng hapon ay hinoldap ng nasa pitong kalalakihan ang armored van ng UCPB Quezon Avenue Branch na nasa harapan ng St. Ferdinand Cathedral kung saan naging mabagal ang pagresponde ng pulisya na nasa kanto lamang ang layo sa holdapan. Sa nasabing insidente ay napatay ang tatlong guwardiya.

CHIEF INSPECTOR JUAN BYRON REYES LEOGO

LUCENA BANKERS ASSOCIATION

LUCENA CITY POLICE

NOONG HULYO

QUEZON AVENUE BRANCH

QUEZON PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

RAMON BALAUAG

SR. SUPT

ST. FERDINAND CATHEDRAL

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with